Pag-search
FIL Down
Wika
Hi, user_no_name
Live Chat

Mga Katanungan at Mga Reklamo

 

Ang sentro ng aming corporate culture ay Treating Customers Fairly (“TCF”). Nagsusumikap ang Finalto (BVI) Limited, sa pamamagitan ng aming trading platform global.markets.com na bigyan ka ng pinakamataas na antas ng customer service at para bumuo ng isang malakas at pang-matagalang relasyon sa iyo. Tinitingnan namin ang iyong mga komento, mga mungkahi, at mga alalahanin bilang mga bagay na napakahalaga para sa aming negosyo. Nagsusumikap kaming tanggaping lubusan ang iyong puna, na kinikilala na ang puna ng isang kliyente at/o pagsasabi ng kawalan ng kasiyahan ay isang oportunidad sa amin para umunlad sa pamamagitan ng pagpapaganda ng aming mga produkto at antas ng serbisyo.

 

Tanong

Kadalasang nalulutas sa loob ng 48 oras

Kung ikaw ay hindi nasiyahan sa serbisyo na ibinigay ng markets.com, pakikontak ang aming Customer Service sa lalong madaling panahon sa pamamagitan ng email sa support@markets.com, Live Chat o sa Online Queries Form para sa agaran at maagap na tulong.

Available ang mga kinatawan namin para tulungan ka sa iyong mga alalahanin upang marating ang patas na konklusyon.

Tanong sa Trading

Kadalasang nalulutas sa loob ng 48 oras

Kung mayroon kang tanong sa trading na nauugnay, halimbawa, sa iyong trading at sa pagtakbo nito sa aming trading platform na markets.com o may kinalaman sa aming Mga Tuntunin at Kondisyon, puwede kang magpasa ng tanong tungkol sa trade sa pamamagitan ng pagsusumite ng Online Trading Query Form. Pakitandaan na dapat ipasa sa amin ang lahat ng tanong sa trading sa lalong madaling panahon, pagkatapos ng pangyayari kung saan bumangon ang tanong sa trading, pangangailangan para sa paglilinaw o isyu.

Available ang isang dedikadong team ng mga propesyonal para saliksikin at lutasin ang iyong tanong tungkol sa trading sa lalong madaling panahon - nakatuon kami sa pagtugon na pinakamatagal na ang 48 oras pagkatanggap ng iyong Tanong sa Trading. Kapag nasuri na ang iyong tanong sa trading, makakatanggap ka ng buong paliwanag sa mga kalagayan at ang resulta.

 

Pormal na Reklamo

Magbukas ng form para sa reklamo

Ang proseso ay puwedeng umabot ng hanggang 2 buwan para malutas

May karapatan kang magsumite ng reklamo sa amin may kinalaman sa iyong trading experience anumang oras, kung saan maaaring madama mo na hindi naging kasiya-siya ang aming serbisyo sa iyo. Kung hindi matutugunan ang anumang trading o iba pang tanong o kapag gusto mong magsumite ng pormal na reklamo sa inisyal na kasunod na yugto, puwede mo itong gawin sa pamamagitan ng pagkumpleto sa Online Complaint Form.

Tandaan na dapat kumpletuhin ang lahat ng impormasyong kasama sa Online Complaint Form upang masuri ng aming dedikadong Quality Control Department ang iyong reklamo sa paraang may batayan. Maaari kaming humingi ng karagdagang impormasyon at/o ng sumusuportang dokumento habang ito ay pinoproseso. Hinihiling namin ang iyong mahalagang kooperasyon sa proseso ng pagsusuri sa iyong reklamo upang magawa ang aming trabaho at maibigay namin sa iyo ang aming feedback at tugon sa lalong madaling panahon.

Ang prosesong iniisip namin na susundin sa pangangasiwa sa iyong reklamo ay gaya ng sumusunod:

2mos-resolved

Pagtanggap ng iyong reklamo

Kikilalanin namin ang pagtanggap sa iyong reklamo sa loob ng 5 araw, na nagbibigay sa iyo ng nakarekord na URN na sisipiin sa lahat ng komunikasyong idinirekta sa iyo mula sa Kompanya may kinalaman sa Reklamo, habang ipinapaalam sa iyo na iniimbestigahan ang Reklamo;

5days-resolved

Pag-attempt na resolbahin ang iyong reklamo

Susubukan naming lutasin ang iyong reklamo sa loob ng 2 buwan mula sa petsa ng pagsusumite ng iyong reklamo. Gayunman, dapat tandaan na ang ganap na pagkumpleto ng aming pagsusuri at pagtugon sa iyong reklamo ay hindi lalampas ng 3 buwan mula sa petsa ng pagsusumite.

 

Kung sakaling hindi namin makumpleto ang aming imbestigasyon at buong nakasulat na tugon sa loob ng 2 buwan, ipapaalam namin sa iyo ang mga dahilan ng pagkaantala. Ang ganap na pagkumpleto ng aming pagsusuri at pagtugon sa iyong reklamo ay hindi lalampas ng 3 buwan pagkasumite ng iyong reklamo.

Kung hindi ka nasiyahan sa aming pinal na tugon sa iyong reklamo na natanggap mo o kung sakaling walang tugon ang matanggap sa loob ng 3 buwang yugto ng panahon, puwede mong isangguni ang iyong reklamo sa BVI Financial Services Commission. Para sa higit pang impormasyon pakibisita ang http://www.bvifsc.vg.

Proteksyon sa Data o mga Mga Tanong/Reklamo sa Privacy

Kung may mga alalahanin ka tungkol sa privacy at kaligtasan ng iyong personal na data, may karapatan kang magsumite ng tanong o reklamo sa anumang oras habang nakikipagtransaksyon ka sa amin. Para magpasa ng katanungan, maaari mong kumpletuhin ang Online Form Ng Mga Katanungan. Kung sakaling gusto mong maghain ng reklamo, maaari mong isagawa ang pagsusumite ng pormal na reklamo  sa anumang yugto ng panahon kung kailan maaaring bumangon ang mga alalahanin may kinalaman sa privacy ng iyong data o kaligtasan ng data.

Para makita ang aming Online Complaints Form mangyaring mag-click dito.

Live Chat