Pag-search
FIL Down
Wika
Hi, user_no_name
Live Chat

Pananatiling Protektado Online

 

Mahalagang impormasyon ukol sa kung paano manatiling ligtas online

ang markets.com ay tumatakbo sa buong mundo, sa maraming wika at may mga kontroladong entity sa UK, EU, Australia, South Africa at BVI.
 

Paano protektahan ang iyong sarili online

Phishing

Phishing

Karaniwang tinatangka ng mga manloloko na kunin ang iyong personal na impormasyon sa pamamagitan ng pagpapanggap na sila ay isang mapagkakatiwalaang kompanya at/o pagpepresenta sa sarili nila bilang mga empleyado, gamit ang parehong email domain. Mag-ingat sa mga kahina-hinalang email kung saan lumilitaw ang mga domain na katulad ng isang opisyal na pinagmulan ngunit may maliit na pagkakaiba. Ang mga email na ito ay kadalasang naglalaman ng mga pagkakamali sa spelling o hindi wastong pag-format.

Secure browsing

Secure na pagba-browse

Siguraduhin na laging nagsisimula ang domain ng mga website sa https://secured.

viruses and malware

Mga virus at malware

Huwag mag-download ng mga file o program mula sa hindi kilalang mga websites patungo sa alinman sa iyong mga device.

Disclosing data

Pagbubunyag ng data

Huwag na huwag ibahagi ang detalye ng iyong password o sensitibong account information kanino man. Hindi kailanman hihilingin ng markets.com o iba pang mga kagalang-galang na kumpanya ang mga detalyeng ito. Dagdag pa, siguraduhin na ang iyong personal data ay hindi nakatago sa hindi protektadong hardware kung saan maaari itong maging available sa third party na malware o mga hacker.

Consult Regulators

Kumonsulta sa Mga Regulator

Hinihikayat namin kayong kumonsulta sa website ng regulator ng kani-kanilang bansa, bago magsagawa ng negosyo sa anumang mga kumpanya ng pamumuhunan, upang matiyak kung aling mga entity ang lisensyado na magbigay ng mga serbisyo sa pamumuhunan at/o mga aktibidad sa pamumuhunan at ang kanilang mga naaprubahang domain. Bukod pa rito, karamihan sa mga Regulator ay nagpapanatili ng mga naaprubahan at hindi naaprubahang mga domain na higit pang tutulong sa iyo upang tiyakin kung ang isang domain ay naaprubahan ng regulator.

Mga kahina-hinalang kontak na nagpapanggap bilang markets.com

Ang markets.com ay hindi nakikibahagi sa anumang uri ng pagpapayo sa investment o trading.

Ang aming mga serbisyo ay hindi sumasaklaw sa pamamahala ng asset o paggarantiya ng mga kita o anumang uri ng mga return on investment. Hindi ka kokontakin ng sinomang empleyado ng markets.com o pipilitin kang mag-invest o magbukas ng espesipikong posisyon o garantiyahan ang anumang kita. Kung nakatanggap kayo ang ganitong uri ng komunikasyon, dapat ninyong suriing mabuti o i-cross check ang ibinigay nilang impormasyon sa mga detalye ng aming kompanya na available sa footer ng aming website at ipaalam sa kanila na isusumbong ninyo ito sa lokal na mga awtoridad.

Sa ilalim ng anumang kalagayan, hindi ka kokontakin ng kahit sinong empleyado ng markets.com para humingi ng deposit at i-wire ang iyong pera kahit saan.

Ang desisyong pondohan ang iyong account ay pawang iyo lamang, at matutulungan ka namin sa iyong kahilingan sa pamamagitan ng pagkontak sa Customer Support. Ang tanging rason na direktang makikipag-ugnayan kami sa iyo tungkol sa pagbabayad ay kung ang mga pondo ng iyong account ay mas mababa sa kinakailangang margin (margin call). Kung sakaling kontakin ka ng sinuman na nag-uutos sa iyo na mag-deposit o i-wire ang iyong pera kahit saan – malamang na isa itong pagtatangka para linlangin ka. Hindi pinangangasiwaan ng markets.com ang iyong account, ikaw lamang ang tanging nangangasiwa sa iyong account. Mahalagang banggitin na kaugnay ng anumang pagbabayad para pondohan ang iyong account sa amin, ang legal na pangalan ng kompanya ang gagamitin bilang billing descriptor sa mga detalye ng bank account. Pansinin na ang mga detalye at solusyon ng pagbabayad sa kompanya ay available online sa pamamagitan ng aming cashier.

BABALA NG INVESTMENT AY MAY MATAAS NA PANGANIB

Karagdagagan pa, walang kita ang ipinapangako, at gaya ng malinaw na sinasabi ng aming High Risk Investment Warning, ang mga CFD ay masalimuot na instrumento at may nauugnay na panganib ng pagkawala ng pera.

Mangyaring tandaan na ang aming mga detalye sa pakikipag-ugnayan ay palaging makikita sa footer ng aming website.

Ang mga scammer ay minsan magrerehistro ng mga katulad na domain, na may maliit na pagkakaiba sa spelling, at kopyahin ang aming disenyo ng website sa isang pagtatangka para linlangin ang mga bisita. Ang mga kopyang ito ay maaaring maging lubhang kapani-paniwala.

fraud-risk.png

Mga Mapanlinlang na Website

Ibinibigay namin sa ibaba ang listahan ng mga mapanlinlang na website na natukoy namin sa paglipas ng panahon, gayunman, mahalagang tandaan na hindi kumpleto ang listahang ito.

uxcoins.io
promarketsfinance.com 

Dapat mong iwasan ang pakikipagkomunikasyon sa mga website sa itaas.

Nakalista sa ibaba ang pinakakaraniwang paraan na ginagamit ng mga impostor para sa iyong atensyon at kabatiran:

 

Currency

Nangangako sila ng garantisadong pagbabalik ng kita at hinihimok ang mga mamumuhunan na magdeposito ng mga pondo sa pamamagitan ng wire transfer sa iba't ibang bank account na may iba't ibang benepisyaryo.

Tax

Hinihikayat nila ang mga mamumuhunan na gumawa ng mga karagdagang deposito para sa pagbayad ng buwis upang makapagpatuloy sila sa pag-withdraw ng kanilang balanse sa account o kanilang mga deposito.

fake documentation

Nagbibigay sila ng pekeng dokumentasyon gaya ng mga brochure, kontrata at/o garantiya sa bangko na nagtataglay ng hindi awtorisado at hindi na-verify na mga pirmang elektroniko na nagmula sa impormasyong magagamit sa publiko.

Credit card

Hinihiling nila sa mga mamumuhunan na ibahagi sa kanila ang mga detalye ng bank account at/o mga detalye ng credit card o iba pang personal na data sa telepono, na isang bagay na hindi namin kailanman hihilingin sa iyo na gawin.

managers

Ipinakikilala nila ang kanilang sarili bilang nakatalagang asset manager at contact person ng kliyente. Tandaan na ang mga kliyente lang ang nangangasiwa sa kanilang sariling account, walang account ang pinangangasiwaan ng Kompanya o ng mga empleyado nito.

deposit funds

Maling ipinapaalam nila sa mga mamumuhunan na isinasara ng Kumpanya ang mga retail client account nito at ina-upgrade nito ang lahat ng account sa corporate at/o propesyonal na mga account at samakatuwid ay kwalipikadong tumanggap ng refund upang maakit ang mga mamumuhunan na magdeposito ng mga pondo.

company

Maling ipinaalam nila sa iyo na inililipat ng Kumpanya ang iyong account sa ibang entity ng grupo, at hinihiling nila ang mga detalye ng iyong bank account at iba pang personal na impormasyon upang makumpleto ang paglilipat.

Ireport ang Hinala

Agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa legal@markets.com, privacy@markets.com at sa iyong lokal na pulisya.

Ganito ang gawin kung sakaling makatanggap ka ng anumang hindi mo kilalang tawag sa telepono, email o SMS mula sa sumusubok na magpanggap bilang Market o anumang iba pang mapagkakatiwalaang third party na nakakatransaksyon namin. Para sa karagdagang detalye sa mga third party kung saan namin ibinibigay ang ilan sa impormasyon mo, pakitingnan ang aming Polisiya sa Privacy. Mangyaring makipag-ugnayan din sa amin kung may mapansin kang anumang hindi awtorisadong transaksyon sa iyong account o maghinala na maaaring may access ang isang third party sa impormasyon ng iyong account.

Mga Opisyal na Channel ng Komunikasyon

Kapag sumusunod sa mga link mula sa mga pahina ng Social Media, pakitiyak na ididirekta ka sa isa sa mga opisyal na website sa itaas, dahil maaari ring mag-set up ang mga scammer ng mga pekeng profile sa Social Media sa pagtatangkang idirekta ang mga user sa mga huwad na website.

Ang aming opisyal na mobile application ay available lang sa Apple App Store at Google Play Store.

App_Store_Badge_en.svg

 

Para makausap kami nang direkta, mag-click lang sa Customer Support para ma-access ang aming Live Chat function.

Summary ng kung paano manatiling ligtas online

  • Maging maingat sa mga di-kilalang kumokontak sa pamamagitan ng email, tawag, social media atbp.
  • Huwag ibigay ang iyong personal at pinansyal na impormasyon sa pamamagitan ng telepono, social media platform o email.
  • Huwag mag-transfer ng pera sa ibang bank account sa kahilingan ng isang taong nagsasabi na kumikilos sila sa ngalan ng markets.com.
  • Laging i-check kung ang email address ay medyo naiiba sa opisyal na email address.
  • Laging i-check kung ang website ay nagsisimula sa ‘https://secured’.
  • Laging kumonsulta sa website ng Regulator para sa mga website ng lisensyadong entidad.
  • Huwag mag-download ng anumang file o programa mula sa mga di-kilalang source sa alinman sa iyong device.
  • Huwag i-share ang iyong password at mga detalye ng account sa kahit sino.
  • Hindi kailanman hihilingin ng mapagkakatiwalaang kompanya ang personal na account o impormasyon sa pagbabayad.
instrumenstpage - still looking.png

Tulungan kaming lutasin ang online na pandaraya sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan agad sa amin kung mayroon kang anumang hinala.

Paano pinoprotektahan ng markets.com ang iyong impormasyon?

Mayroon kaming matatag na team ng propesyonal na laging sinusubaybayan ang di-pangkaraniwan at iregular na aktibidad sa mga online na aktibidad at mga pagbabayad. Handa silang tumugon sa anumang kahilingan o insidente na maaaring mangyari. Mangyaring makipag-ugnayan sa Customer Support para sa anumang kahina-hinalang aktibidad na nangyayari sa iyong account.

Ang aming Data Protection Officer ay tinitiyak ang pagsunod sa GDPR sa loob ng markets.com. Ang kompenya ay regular na ino-audit ng internal at external na parties sa pamamagitan ng mga controls at monitoring tools na ginamit para protektahan ang aming mga systems at data. Mangyaring makipag-ugnayan sa aming Data Protection Office sa privacy@markets.com

Patuloy na subaybayan ang page na ito para sa karagdagang mapanlinlang na website na napag-alamang nagpapanggap bilang ang Kompanya, ang markets.com brand o ang aming holding company.

marketscom-protect-you.png

Kailangan ng karagdagang tulong?

Maasahan nyo kami. Narito kung paano makipag-ugnayan sa amin para sa personalized na tulong.

Makipag-ugnayan sa Amin
Live Chat